Pamamahala sa kuryente, dapat maibalik sa gobyerno— KBP

Pamamahala sa kuryente, dapat maibalik sa gobyerno— KBP

DAPAT maibalik ang pamamahala ng kuryente sa gobyerno.

Ito ang binigyang diin ni dating Philippine National Oil Company Director at Kontra Brownout Partylist First Nominee Mike Macapagal sa panayam ng Sonshine Radio.

Ayon kay Macapagal, ito ang isa sa kanilang pangunahing plataporma sakaling manalo sa darating na halalan.

Ipinaliwanag ni Macapagal ang sitwasyon ng pamamahala sa kuryente ngayon ay napupunta sa mga oligarko sa halip na sa gobyerno.

Naniniwala rin si Macapagal na dapat nang amyendahan ang Epira Law na ipinasa noong 2000.

Ang Epira Law ay naglalayong magkaroon ng kompetisyon, paghihikayat ng market development, pagpaparusa sa mapang-abuso sa market power at iba pa.

Subalit sa tingin ni Macapagal, hindi naman ito naipatupad nang maayos.

Aniya, kaya hindi bumababa ang presyo ng kuryente sa bansa ay dahil hindi hinihikayat ang free market competition na nakasaad sa Epira Law.

Samantala, ninanais din ng Kontra Brownout Partylist na may kumpletong auditing na isasagawa sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Ang NGCP ay isang private corporation na binuo noong January 15, 2009 sa ilalim ng RA 9511.

  

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *