Pamamahagi ng relief goods sa Las Piñas City, gagawing house to house

Pamamahagi ng relief goods sa Las Piñas City, gagawing house to house

HUMINGI ng paumanhin ang lokal na pamahalaan ng Las Piñas sa nangyaring gulo sa city hall matapos dumagsa kahapon ang mga residente sa pamamahagi ng relief goods sa gitna ng ipinatutupad na enhanced community quarantine.

Nagpaliwanag ang pamunuang lokal ng Las Pinas City kaugnay sa nangyaring dagsa ng tao sa distribusyon ng relief goods sa city hall kahapon, ayon sa city administrator, mis interpretation ang nangyari, kaya naman humihingi sila ng paumanhin sa sinasabing kapabayaan lalo na sa social distancing protocol, kaugnay nito, gagawin nang house to house ang distribusyon ng relief goods sa mga residente nito.

Humingi ng paumanhin ang lokal na pamahalaan ng Las Piñas sa nangyaring gulo sa city hall matapos dumagsa ang mga residente sa pamamahagi ng relief goods sa gitna ng ipinatutupad na enhanced community quarantine.

Ikinalungkot kasi ng pamahalaang lokal ang biglaang pagkalat ng hindi magandang balita ukol sa nangyari Kapansin pansin sa kumalat na video na naging imposible ang social distancing measures nang mag-unahan ang mga tao sa pagkuha ng ipinamimigay na suplay partikular ang bigas, tatlong pakete ng noodles, apat na canned goods, pakete ng kape at gatas.

Ayon kay Las Piñas City Administrator Reynaldo Balagulan, ang mga ipinamigay na relief goods ay para sana sa indigent job order workers ng city hall at hindi sa mga residente.

Ikinagulat aniya nila ang biglaang pagdagsa ng mga tao at maging ang mga pulis na nagpapatupad ng isang metrong distansya ay nagtaka na dumami ang nanghihingi Kaya naman, para sa kaligtasan ng lahat ng residente ay ihahatid na sa kani-kanyang tahanan ang mga relief goods.

Hiniling nito ang kooperasyon ng mamamayan at manatili na lamang sa bahay habang umiiral ang enhanced community quarantine.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *