Pamamahagi ng new normal educational package sa mga estudyante ng Taguig, sinimulan na

Pamamahagi ng new normal educational package sa mga estudyante ng Taguig, sinimulan na

NAGSIMULA nang mamahagi ang Taguig City Government ng new normal educational package para sa mga estudyante ng lungsod para sa school year 2020-2021

Ang package na siyang tinanggap ng bawat magulang ay naglalaman ng mga bag, uniporme, sapatos, modyul sa iba’t-ibang paksa, at iba pang mga kagamitan na kanilang gagamitin sa hybrid modular distance learning modality ng Taguig City.

Ayon kay Taguig City Mayor Lino Cayetano, isa ito sa inisyatibo ng pamahalaang lungsod upang matulungan ang mga mag-aaral sa pagharap sa tinaguriang new normal type of education at upang lalong mahasa ang kanilang mga kagalingan sa iba’t ibang aspeto ng edukasyon kahit sa gitna ng pandemya.

Samantala, para naman sa blended learning school sa darating na pasukan ayon kay Mayor Lino hindi magiging problema sa mga estudyante ng Taguig kung walang gadget o internet ang isang estudyante dahil linggo-linggo ay makakakuha ng blended learning materials ang isang estudyante na idi-distribute sa mga estudyante.

Ayon pa sa alkalde sang-ayon ang Taguig LGU sa Pangulong Rodrigo Duterte na wala munang face to face classes kung saan sa  pamamahay na lamang ng mga estudyante mag-aaral gamit ang mga modules materials.

Tuwing Biyernes makatatanggap o idi-distribute ang mga modules materials sa mga estudyante sa parehong araw  din isu-submit ang mga sasagutang modules.

Tiniyak pa rin ng lokal ng pamahalaan na sa ganitong pamamaraan ay mabibigyan pa rin ng de kalidad at magandang edukasyon ang mga estudyante ng Taguig.

Samantala, 11 na inbidwals ang naaresto ng COVID Shield Task Force sa Baranggay Lower Bicutan dahil sa paglabag nito sa quarantine protocols.

Ayon sa City Government of Taguig ang mga ito ay lumabag sa City Ordinance No. 27-89 na pagbabawal na uminom sa mga pampublikong lugar  bukod pa dito kinasuhan din ng mga ito dahil sa paglabag sa  Article 151 of the Revised Penal Code for Resistance and Disobedience to a Person in Authority.

Ang lokal ng pamahalaan ng Taguig ay may pina-aktibong isang libong kataong Tapang Malasakit Disiplina Team upang tulungan ang Philippine National Police.

Na ipatupad ang bagong normal na ordinansa ng lungsod na naglalayong makatulong na pigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Ipinagmamalaki pa rin ng Taguig LGU sa pagpapanatili ng lungsod sa pinakamababang kaso ng COVID-19 sa Kalakhang Maynila.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *