inflation
Business National

Pamahalaan, positibong makabawi sa usapin ng inflation

NANINIWALA ang Palasyo na maaabot ng pamahalaan ang 2% inflation rate para sa third quarter ng 2019.

Ito ay sa naganap na 3.2% na pagtaas sa mga pangunahing bilihin na naitala nitong nagdaang buwan ng Mayo bunsod ng bahagyang pagtaas sa presyo ng mga produktong pang-agrikultura gaya ng prutas at gulay ganundin sa isda.

Ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Salvador Panelo, kumpiyansa silang makababawi din sa naitalang pagtaas ng inflation ang bansa at mararamdaman ito sa sandaling maramdaman na ang full impact ng rice liberalization.

Ginamit na basehan ng Malakanyang ang kasalukuyang price index ng bigas na ngayon ay nasa 0.7% lamang habang ang mais ay nakapagtala ng price index na 2.8%.

Positibo si Panelo na tiyak na makakabangon uli ang bansa sa usapin ng inflation na nagawa na ng mga economic managers ng administrasyon sa nakalipas na anim na buwan na nagsimula noong Nobyembre 2018.

HANNAH JANE SANCHO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *