TRAIN Law
National

Pamahalaan, may mga hakbang para maibsan ang epekto ng TRAIN Law

Sa kabila ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin bunsod ng TRAIN Law, may mga nakalaan  na tulong ang pamahalaan para maibsan ang epekto nito.

Kabilang dito ayon kay DBM Secretary Benjamin Diokno, ang Unconditional Cash Transfer program para sa mga mahihirap.

Pantawid Pasada Program para sa mga apektado ng patuloy na pagtaas ng produktong petrolyo at PUV Modernization Program.

Sa ilalim ng Unconditional Cash Transfer, pagkakalooban ng P3, 600 ang bawat mahihirap na pamilya sa taong 2019.

Mas mataas ito ng 50 porsyento sa ipinagkaloob na tulong pinansyal para ngayong 2018.

Sa ilalim naman ng Pantawid Pasada Program, nakatatanggap ang isandaang porsyento ng mga puj operators na rehistrado sa LTFRB ng limang libong piso ngayong 2018 at tataas ito sa susunod na taon.

Sen. Bam Aquino, ipinanawagan ang pagsuspinde sa TRAIN Law

Samantala, hinikayat naman ni Senador Bam Aquino ang Kongreso na ipatigil ang TRAIN Law.

Binigyang-diin ni Senador Bam na ang suspensyon ng TRAIN Law ay hindi tungkol sa pulitika.

Ito ay tungkol sa buhay ng mga Pilipino na nalulunod sa mataas na presyo ng bilihin dahil sa tax reform program.

Panawagan si Senador Bam sa mga kapwa mambabatas na suportahan ang kanyang panukala.

Ito ay ang layong suspendihin at i-rollback ang excise tax sa produktong petrolyo sa ilalim ng TRAIN Law

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *