Pamahalaan, binago na ang mga estratehiya sa COVID-19 response

Pamahalaan, binago na ang mga estratehiya sa COVID-19 response

NAGKAROON na ng pagbabago sa mga estratehiyang ginagawa ng pamahalaan sa pagresponde sa COVID-19 pandemic.

Ito’y ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo kasunod ng panawagan ni Senate President Vicente Sotto III sa pamahalaan na maghanap ng ibang paraan para labanan ang COVID-19 maliban sa bakuna.

Gayunman, binigyang-diin ni Panelo na mistulang huli na ang naturang mungkahi ni Sotto dahil binago na aniya ng pamahalaan ang estratehiyang ito.

Kabilang aniya sa mga pagbabagong ito ang total lockdown kung saan ginawa na itong granular lockdown na ngayon ay inaayos pa ang guidelines.

Ayon kay Panelo, pinalitan ang estratehiya sa pagresponde sa pandemya para sa pagbabalik-normal ng ekonomiya.

Matatandaan na binawi ng pamahalaan ang pagpatutupad ng General Community Quarantine (GCQ) mula sana noong Setyembre a-otso hanggang sa Setyembre a-trenta bilang pagbibigay daan sa pilot implementation ng localized o granular lockdowns.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *