Metro

Palasyo sinuspinde ang pasok sa paaralan at government offices sa buong Metro Manila dahil sa masungit na panahon

Sinuspende na ng Malakanyang ang klase sa elementarya, highschool at koleheyo sa pampublikong paaralan pati na rin ang trabaho sa lahat ng government offices sa buong Metro Manila.
Ginawa ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella ang anunsiyo base sa utos ng office ng Executive Secretary Salvador Medialdea na simula ala una ng hapon epektibo ang pagsususpende ng klase at trabaho sa buong National Capital Region.
Ang pagsususpinde ay dahil na rin sa sama ng panahon dulot ng Bagyong Gorio.
Nauna na nagsuspendi ng klase ang iba’t ibang local na pamahalaan sa Metro Manila upang hindi na maabala pa ang mga magaaral na pumunta ng paaralan.
Malacañang Statement
The Office of the Executive Secretary announced work suspension in all government offices in NCR starting at 1pm today. The same with classes in public schools in all levels. It is the private schools discretion to suspend their classes.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *