ni Pangulong Rodrigo Duterte
National

Palasyo, pinawi ang pangamba ng publiko sa ‘minor accident’ ni Pangulong Rodrigo Duterte

SUMEMPLANG ang sinasakyang motor kagabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa loob ng compound ng Presidential Security Group ayon kay Senator Bong Go.

Nangyari ang insidente matapos ang makiramay ang pangulo sa pamilya ni Gretchen Barretto matapos sumakabilang buhay ang tatay nito na si Miguel Barretto.

Ayon kay Sen Go, sumakit ang balakang ng Pangulong Duterte at nagpapahinga sa Bahay Pagbabago.

Tiniyak naman ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na hindi dapat mangamba ang publiko sa nangyaring ‘minor accident’ sa pangulo.

“I assure the public that the president is safe, in good hands and in good health. There was an accident we confirm that last night he rode in his motorcycle but after he parked his motorcycle his shoes naipit he was trying to reach for it natumba siya,” ani panelo.

Paliwanag ni Panelo na ibinahagi sa kaniya ng kapartner ni Pangulong Duterte na si Honeylet Avancena na galos sa siko at tuhod ang natamo ng chief executive.

Gayunpaman, naniniwala si Panelo na posibleng hindi na makakansela ang iba pang nakatakdang schedule ang Pangulong Duterte sa araw na ito dahil nakalakad naman ito.

HANNAH JANE SANCHO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *