Bilateral talks
National

Palasyo, isinasapinal na ang mga delegadong kabilang sa China trip ng pangulo

ISINASAPINAL na ngayon ang listahan ng mga delegadong makakabilang sa nakatakdang working visit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China na inaasahan sa huling linggo ng buwang ito.

Ayon kay Presidential Communication Operations Office Secretary Martin Andanar, bahagi aniya ito ng protocol na ipinatutupad ng bibisitahing bansa kaya’t kinukuha na nito ang bubuo sa delegasyon ng Philippine government para sa ika-limang pagtungo ng Pangulong Duterte sa China.

Sa ngayon ayon kay Andanar ay wala pa silang itinerary para sa naka- schedule na China working visit ng chief executive na dito ay inaasahang uungkatin ng presidente ang arbitral court ruling sa West Philippine Sea.

Kaugnay nito, sinabi ni Andanar na antabayanan na lang kung ano ang magiging reaksiyon ng China tungkol sa gagawing hakbang ng Pangulong Duterte na hinggil sa ipakikitang katayuan nito na may kaugnayan sa territorial dispute sa China.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *