pag release
National

Palasyo, Ipinauubaya sa LTFRB ang pag-release ng mga naka-pending na franchise para sa modernisasyon ng jeep

IPINAUUBAYA na ng palasyo sa LTFRB ang desisyon kung mamadaliin nito ang pagre-release ng mga naka-pending na franchise at ruta para sa modernisasyon ng mga jeep.

Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo kasunod ng naranasang aberya sa operasyon ng LRT 2.

Naniniwala si Panelo na may dahilan ang LTFRB kaya mayroong delay sa pagre-release nito.

Gayunpaman, alam na dapat ng LTFRB kung dapat bang pagbigyan o hindi ang mga franchise na ito, upang makatulong sa pagpapagaan sa problema sa transportasyon.

Kaugnay nito, sinabi ni Panelo na regular namang nagsu-sumite ng briefer kay Pangulong Rodrigo Duterte ang LTFRB at iba pang departamento o ahensya ng pamahalaan upang ipabatid sa Pangulo ang pinakahuling kaganapan sa kanilang mga tanggapan.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *