Palasyo
National

Palasyo, iginiit na mali at iligal ang paglahok sa leftist organization

HINIMOK ng Palasyo ang mga magulang na pagsabihan ang kanilang mga anak na laos na ang tinatawag na ‘ideolohiya.’

Ito ang tugon ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo kung saan nagpahayag ng pag-aalala ang Palasyo sa mga nawawalang kabataan  dahil sa umano’y nangyayaring pangre-recruit ng New People’s Army (NPA) ng mga kabataan sa mga paaralan para umanib sa kanilang hanay.

Sinabi ni Panelo na hindi dapat i-entertain o pansinin ng mga estudyante ang ganitong uri ng kilusan o ang pag-anib sa mga organisasyon na may layong pabagsakin ang pamahalaan.

Muli namang iginiit ni Palace spokesman na isang pagkakamali at iligal ang paglahok sa isang leftist organization.

Gayunpaman, sinabi ng tagapagsalita nakatakdang mag-isyu ng policy statement si Pangulong Rodrigo Duterte patungkol sa ginagawang recruitment ng NPA ng mga estudyanteng para lumahok sa leftist organizations.

Samantala, binigyang-diin ni Panelo na ang presensya ng pulisya sa mga campus ay makatutulong sa pagresolba ng anumang krimen sa campus pero hindi ito tiyak pagdating sa isyu ng npa recruitment.

Dapat maging komprehensibo sa pagtutuk sa umano’y ginagawang recruitment ng mga rebelde

Dapat maging komprehensibo ang pagtutuk sa ginagawang recruitment ng mga rebeldeng grupo.

Ito ang iginiit ng National Youth Commission (NYC) Asec. Victor Del Rosario sa panayam ng Sonshine Radio at SMNI News.

Ayon kay Del Rosario, hindi lang mga menor edad na nasa paaralan ang madaling mahikayat para sumali sa makakaliwang grupo kundi maging ang mga out-of-school youth.

Kaya naman, nanawagan si Del Rosario na dapat manguna ang mga magulang sa paggabay sa kanilang mga anak para hindi mapariwara.

“Talagang dapat i-highlight natin na edukasyon talaga natin, nagsisimula sa pamilya. So dapat ito ring mga magulang natin ay aware sa mga ginagawa ng kanilang mga anak, at ma-educate nila sa mga social and even political issues. Para nang sa ganun ay hindi mapariwara o hindi madaling maloko o kaya’y malinlang ang ating mga kabataan sa mga ganitong gawain,” ayon kay Del Rosario.

Samantala, pabor din ang commissioner ng NYC sa panukala ni Senador Bato dela Rosa na magkaroon ng police visibility sa mga state colleges and universities.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *