batang benepisyaryo
Kingdom News Lifestyle

Painting ng mga batang benepisyaryo ng CJFI, itinampok

HIGHLIGHT kamakailan sa isang pagtitipon sa Quezon City ang mga paintings na gawa ng mga batang benepisyaryo ng Childrens Joy Foundation Incorporated o CJFI.

May painting na hango sa tao, halaman, o magandang view-bagama’t may ibat-ibang estilo sa pagkakagawa ay sinasalamin ng bawat painting ang pagiging malikhain ng mga bata na lumaki sa pangangalaga ng CJF.

batang benepisyaryobatang benepisyaryo

Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit patuloy na sinusuportahan ng mga sponsors at donors ang mga programa ng CJF na nag-aalaga sa mga batang salat sa buhay.

Sa parehong pagtitipon ay isang salo-salo ang ginanap bilang pasasalamat sa mga kompanya at indibidwal na walang sawang sumusuporta sa CJF.

Bukod sa pagbibigay ng mga paintings sa mga sumusuporta sa CJF, ay naghandog din ng mga awitin ang mga bata sa kanila.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *