Pahayag ni Joma Sison laban kay Pangulong Duterte, niresbakan ni Sec. Panelo

Pahayag ni Joma Sison laban kay Pangulong Duterte, niresbakan ni Sec. Panelo

NIRESBAKAN ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo si Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria (Joma) Sison sa naging pahayag laban kay Pangulong Rodrigo Duterte na isang tyrant, fascist, dictator, at mentally deranged.

Banat ni Panelo kay Joma Sison, mas akma ang mga naturang deskripsyon sa CPP founder kumpara kay Pangulong Duterte.

Sinabi pa ni Sison na mukhang maysakit, maputla at matamlay si Pangulong Duterte.

Ipinahiwatig naman ni Panelo na hindi basta-basta ang ginagampanan ngayon ni Pangulong Duterte lalo’t nasa gitna ng pandemya.

Giit pa ng opisyal kay Sison, huwag itong maging malisyoso.

Paliwanag pa ni Panelo, isa lang ibig sabihin ng pagiging mukhang matamlay ng pangulo, at ito ay kulang lamang sa tulog dahil sa dami ng problemang kinakaharap ng bansa, talagang hindi makakatulog sa kahahanap ng solusyon.

Pagdating naman sa paratang ni Sison kaugnay sa militarisasyon sa gabinete ay sinabi ni Panelo na ang pagiging  military man ay hindi nangangahulugan na tanging giyera at labanan lamang ang alam ng mga ito.

Ani Sec. Panelo, sumailalim ang mga military personnel sa  “schooling” kung saan ay kumuha ang mga ito ng management o nakapagtamo ng  master’s degrees o  doctorate, maliban pa sa disiplina na nakuha ng mga ito mula sa  mahigpit na pagsasanay.

Samantala, inihayag ni Panelo na mahina na ang CPP-NPA-NDF dahil marami na sa mga miyembro nito ang nagbalik-loob sa gobyerno.

Kung kaya, hinamon ni Panelo si Sison  na magbalik-Pilipinas at gawin na rin ang ginawa ng ibang miyembro ng kanyang organisasyon kasabay nito’y makipag-ugnayan sa pamahalaan para sa mas maayos na bansa at mamamayang Pilipino.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *