Pagtataas ng transportation capacity sa bansa sa gitna ng pandemya, dahan-dahan lang dapat —Pastor Apollo C. Quiboloy

Pagtataas ng transportation capacity sa bansa sa gitna ng pandemya, dahan-dahan lang dapat —Pastor Apollo C. Quiboloy

DAPAT dahan-dahan lang ang pamahalaan sa muling pagtataas ng public transportation capacity sa bansa sa gitna ng pandemya.

Ito ang naging pahayag ni Pastor Apollo C. Quiboloy, ang Founder at Executive Pastor ng The Kingdom of Jesus Christ kaugnay sa plano ng Inter-Agency Task Force na itaas na sa 70% ang transportation capacity ng bansa.

Sa live broadcast ng programang Powerline, sinabi ni Pastor Apollo na kung bibiglain ito ay baka mabigla ang publiko at lalong lumalala pa ang sitwasyon.

Ikinumpara pa ni Pastor Apollo na kung sa isang taong may sakit pa ay baka mabinat ang mga tao sa gitna ng pandemya.

“Dahan-dahan lang po tayo siguro, kasi kung bibiglain natin tapos magkakahawaan na naman, babalik na naman tayo, lalong lalala,” ayon pa kay Pastor Apollo.

Dagdag pa ng Butihing Pastor, maaari namang gawin ito sa mga lugar na pupuwede na pero aniya dapat ay hindi pa rin ito biglain dahil lamang sa ekonomiya.

Kung saan tayo nakakakita na maaari nang gawin, gawin na, dahan-dahan doon sa mga lugar na pwede na. Pero huwag kaagad-agad for the sake of the economy. The pandemic is just around the corner. Dahan-dahan lang,” dagdag pa ng Butihing Pastor.

Samantala, ganito rin ang naging saloobin ni Senator Christopher Bong Go na dapat aniya ay suriin nang mabuti ng pamahalaan ang sitwasyon sa mga lugar nasa ilalim pa rin ng Modified Enhanced o General Community Quarantine bago ipatupad ang mas relaxed na quarantine measure.

Para kasi sa senador mas importante pa rin ang kalusugan ng mga Pilipino kaysa ang pagbubukas ng ekonomiya.

Nanawagan naman si Go sa publiko na habaan ang kanilang pasensya habang patuloy na pinag-aaralan ng Inter Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases ang sitwasyon lalo na pagdating sa usapin ng pagpapaluwag sa quarantine measures.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *