Pagtaas sa presyo ng pangunahing bilihin, ibinabala dahil sa ‘unstable’ na suplay ng kuryente

Pagtaas sa presyo ng pangunahing bilihin, ibinabala dahil sa ‘unstable’ na suplay ng kuryente

NAGBABALA ngayon si Makati Rep. Luis Campos kaugnay ng posibleng pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin dahil sa abnormal na suplay ng kuryente sa Luzon Grid.

Ayon sa mambabatas na kumakatawan sa isa sa central business districts ng bansa, posibleng makadagdag sa inflation ng bansa ang nangyayari ngayon sa power supply ng Luzon Grid.

Maaari din daw itong makabalam sa economic recovery mula sa epekto ng COVID-19 pandemic.

“We are gravely worried that the prospect of red and yellow alerts over the Luzon grid in the weeks ahead might drive up the cost of electricity and put more upward pressure on food prices,”  pahayag ni Campos.

Diin ng mambabatas, pumalo sa P9.29 per kilowatt hour (kwh) ang presyo ng kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market nang sumailalim sa red alert ang Luzon Grid mula Mayo 31 hanggang Hunyo 2.

Ito yung mga panahon na nagkaroon ng rotating brownouts sa ilang mga lugar sa Metro Manila at karatig lugar sa loob ng dalawang magkasunod na araw.

“The cost of P9.29 per kwh was 171 percent higher than the average WESM price of P3.42 per kwh from January to April,” ayon kay Campos.

At kung hindi maaagapan, pinakamatinding tatamaan ani Campos ang power-intensive industries gaya ng food manufacturing, canning at cooking oil processing.

“Kasi po ang in-establish po ng mga imbestigasyon hindi ito problema ng kasalukuyang suplay, problema ito ng hindi nakakapagsuplay,” pahayag naman ni Gerry Arances, Convenor, Power for People Coalition.

Yan naman ang pahayag ng consumer group na People for Power Coalition sa abnormal na suplay ng kuryente  ngayon sa Luzon Grid.

Para sa grupo, kuwestyunable ang hindi pag-andar ng dalawang coal plants na ngayon ay lampas limang buwan nang hindi nakakapag-produce ng kuryente.

Ito raw ay ang Calaca Power Plant ng DMCI at GN Power Plant ng Aboitiz.

“Batay kasi sa rules ng ERC ay halos wala pang 20 days na dapat ina-allow itong mga planta na ito na mag-shutdown, ng unplanned shutdown,” ayon kay Arances.

May mga planta rin umano na gumagawa ng “underrating” o nagpo-produce ng kuryente na mas mababa sa kanilang kapasidad.

Dahil dito nanawagan naman ng agarang solusyon si Campos sa Department of Energy na solusyunan ang problemang ito sa lalong madaling panahon.

“The Department of Energy (DOE) should spare no effort in averting further red and yellow alerts over the grid,” ayon naman kay Campos.

“Bakit hindi nakakapagsuplay samantalang dapat naman silang magsuplay? At kaya po kami nananawagan sa Department of Energy at sa Senado at sa Kongreso na imbestigahan ito at dapat itong ii-penalized kasi hindi naman pupuwede na kaming mga electric consumers yung mga kababayan natin na kapag hindi nakapagbayad sa sobrang hirap ngayon ay pinuputulan agad samantalang ang mga power companies tulad nitong mga coal plants na ito na hindi efficiently nakakapag-produce ng kailangang e-produce ay tila baga sila ay absuwelto,” pahayag ni Arances.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *