term limits
National

Pagsusulong ng term limits, wala pang tugon mula sa administrasyon

WALA pang direktang tugon ang kasalukuyang administrasyon sa planong term limits na nakatakdang itulak ni incoming House Speaker Alan Peter Cayetano.

Ito ng kinumpirma ng neophyte Senator Christopher Bong Go sa panayam sa kaniyang ngayong hapon.

Ani Go, kailangan pa itong idaan sa masusing pag-aaral ng dalawang kapulungan ng Kongreso.

Bagama’t suportado nito ang naisip na panukala na siya namang makakatuwang sa isinusulong naman na federalismo sa bansa.

Sa kabila nito, naniniwala ang senador na malayo pa ang tatahakin ng pamahalaan sa nasabing pagbabago ng konstitusyon pero aniya pabor ito sa mga natitira pang programa ng pamahalaan.

Matatandaan, matapos na iiendorso ni Pangulong Duterte si Cayetano bilang susunod na House speaker kasama si Marinduque Rep. Lord Alan Velasco, agad na iminungkahi ni Cayetano ang term limits sa mga susunod na politiko mula sa tatlong taong serbisyo ay gagawin itong apat hanggang limang taon.

Naniniwala si Cayetano na mas magagawa ng isang politiko ang kaniyang mga nais na proyekto kung may sapat itong panahon sa kaniyang serbisyo.

POL MONTIBON

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *