National

Pagsuspinde sa apat na komisyoner ng ERC, may malaking epekto sa ekonomiya ng bansa—ERC spokesperson

Hihingi ng gabay ang Energy Regulatory Commission (ERC) sa Malacañang kaugnay ng suspensyon ng kanilang opisyal.
Ayon kay ERC Spokesperson Florensinda Digal, magkakaroon ng epekto hindi lamang sa mga consumer ng electric utilities kung di sa ekonomiya ng bansa ang kautusan ng Office of the Ombudsman.
Sinabi pa ni Digal, na nasa ilalim ng ehekutibo ang ERC kaya’t nais nilang humingi ng gabay mula sa Malacañang para malaman ang magiging tamang hakbang hinggil sa utos ng Ombudsman.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *