National

Pagsibak ni Duterte kay Sueno hinangaan ng ilang kongresista


Hinangaan ng ilang kongresista ang naging desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na sibakin sa puwesto si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Mike Sueno.
Ayon kina Muntinlupa Representative Ruffy Biazon at Kabayan Party-list Representative Harry Roque, kapuri-puri ang desisyon ng pangulo.
Nagpapakita aniya ito ng zero-tolerance pagdating sa kurapsiyon.
Kasunod nito ay umaasa ang mga kongresista na seseryosohin ng iba pang opisyal ng pamahalaan ang pagsibak kay Sueno at magsilbing mensahe na seryoso ang Duterte Administration sa anti-corruption agenda nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *