Marijuana Lega­lization Bill
National

Pagsasabatas sa Marijuana Legalization Bill, kinokonsidera ni Pang. Duterte

Tiniyak ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na hindi magdadalawang isip si Pangulong Duterte na lagdaan ang Medical Marijuana Lega­lization Bill o ang house bill 6517.

Kasunod ito sa naging tugon ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa question and answer ng pageant kung saan pinaboran nito ang paggamit ng marijuana for medical purposes.

Ayon kay Panelo, noon pa man ay nagsalita na ang pangulo kaugnay sa kaniyang posisyon hinggil sa medical marijuana.

Sinabi ni Panelo na handa ang presidente na pirmahan ang anumang panukalang batas na tutugma sa kaniyang mga kagustuhan para sa interes at kapakinabangan ng nakararami.

Sa kabila nito, inihayag ng pangulo na kailangan pa rin ang mahigpit na regulasyon upang matiyak na ang mabibigyan ng medical marijuana ang mga indibidwal na nangangailangan bilang gamot at hindi bilang bisyo.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *