Land Terminal Improvement Act
National

Pagsasabatas ng Land Terminal Improvement Act, welcome development – DOTr

WELCOME sa Department of Transportation o DOTr ang paglagda bilang batas ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Republic Act no. 11311 o mas kilala bilang “An Act To Improve Land Transportation Terminals, Stations, Stops, Rest Areas, And Roll-On/Roll-Off Terminals,” o Land Terminal Improvement Act.

Sa isang pahayag, sinabi ng DOTr na mas mapapabilis ng batas ang kanilang pagsisikap na mabigyan ng mas maginhawa at komportableng biyahe ang mga pasahero na direktiba ni Transportation Secretary Arthur Tugade at may gabay ni Pang. Duterte.

Magiging epektibo aniya ang bagong batas, 15 days matapos mailathala sa official gazette o kahit sa dalawang national newspaper ng general circulation.

Inaasahang gagawin aniya ng DOTr at iba pang concerned agencies ang draft ng Implementing Rules and Regulations (IRR) sa loob ng 60 na araw matapos ang effectivity ng batas.

Para sa parte ng DOTr, agad silang makikipag-ugnayan sa mga concerned agencies para sa IRR upang agad maranasan ng mga komyuter ang mas maayos na pasilidad at amenities sa mga transport terminal.

Nanatili rin aniyang nakatuon ang DOTr sa paghatid ng kautusan ng Punong Ehekutibo na mabigyan ng komportableng buhay ang mga Pilipino sa pamamagitan ng pinahusay at marangal na commuting experience.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *