patungong Malacañang
National

Pagpunta sa Hong Kong, iwasan muna — Malakanyang

IMINUNGKAHI ng Palasyo sa mga nagbabalak na pupuntang Hong Kong na iwasan munang bumiyahe roon.

Ito ay sa gitna ng nangyayaring tensyon dahil sa patuloy na protesta sa naturang bansa.

Sa isang press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Panelo na hindi ito ang tamang oras para pumunta sa Hong Kong dahil sa walang katiyakan ang kaligtasan bunsod ng patuloy na kilos protestang nagaganap dahil sa kontrobersyal na Extradition Bill.

Paulit-ulit namang pina-alalahanan ng pamahalaan ang mga overseas Filipino workers o OFWs na manatili sa ligtas na lugar.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *