Pagpropose ng Irish boyfriend ni Glaiza de Castro, may basbas mula sa mga magulang ng aktres

Pagpropose ng Irish boyfriend ni Glaiza de Castro, may basbas mula sa mga magulang ng aktres

MATAPOS ang nakakakilig na wedding proposal ng aktres na si Glaiza de Castro at fiancé nito sa napakalamig na Ireland, ikinuwento ngayon ng aktres ang pinakamasayang pangyayari na ito sa kanyang buhay.

Ayon kay Glaiza, nag-propose ang kanyang Irish fiancé na si David Rainey noong December 24 habang nagbabakasyon sila sa Ireland.

Nangyari daw ito habang nagbe-breakfast ang dalawa kung saan pinatugtog pa ang kanta noong una silang nagkakilala.

Sabi pa ni Glaiza, bago pa ang aktuwal na proposal ni David ay nagpaalam na ito sa kanyang mga magulang para humingi ng blessing.

Sa ngayon, hindi itinakda nina Glaiza at David kung kailan ang petsa ng kanilang kasal pero hindi daw ito mangyayari sa susunod na taon dahil sa pandemya.

Pero tiyak naman na gaganapin ito dito sa Pilipinas.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *