Pagpatutupad ng gun ban
National

Pagpatutupad ng gun ban tuloy pa rin

MATAPOS ang May 13 midterm election, patuloy ang pagpatutupad ng gun ban ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde, magpapatuloy ang gun ban hanggang sa pagtatapos ng election period sa Hunyo 12 ng taong kasalukuyan.

Batay sa tala ng PNP, umaabot na sa 5,500 ang mga naaresto sa paglabag sa gun ban; habang 4,618 na baril at 44,226 deadly weapons ang nakumpiska.

Bukod sa gun, ipinagbabawal pa rin ng pnp ang hindi otorisadong pagkuha ng mga bodyguards at security personnel.

Sinabi ni Albayalde na mananatili ring suspendido ang lahat ng permit to carry firearms outside of residence ng mga lisensyadong gun holders hanggang sa alisin ng Comelec ang gun ban.

SMNINEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *