sa investment scam
National

Pagpataw ng mabigat na parusa sa investment scam, isinusulong

ISINUSULONG ni Sen. Lito Lapid ang na maisabatas ang panukalang magbibigay ng bigat sa investment scam bilang economic sabotage.

Kabilang nasabing panukala sa inihaing pet bills ni Lapid para sa 18th Congress.

Kasunod ito ng dumaraming kaso ng investment scam sa Pilipinas.

Sinabi ni Lapid na sa panukalang ito ay wala ng lusot ang mga sindikato at seguradong mabubulok sa kulungan.

Matatandaan na ilang investment firm ang ipinasara ng Securities and Exchange Commission (SEC) dahil sa mga paglabag sa Securities Regulation Act.

Kabilang na dito ang tinaguriang pinakamalaking investment scam sa Pilipinas na KAPA.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *