diskwento sa toll fee
Business

Pagpataw ng diskwento sa toll fee sa SLEX, pinag-aaralan ng TRB

PINAG-aaralan na ng Toll Regulation Board (TRB) kung magkano ang ibibigay na diskwento sa toll fee ng mga motoristang dumadaan sa South Luzon Expressway (SLEX) na apektado ng Skyway Extension Project.

Ito ay matapos hindi sumipot ang San Miguel Corporation (SMC) tollways sa ipinatawag nilang meeting noong nakaraang linggo.

Sinabi ni TRB Board Member Raymundo Junia na ang naturang kompanya kaso ang operator ng parehong Skyway at SLEX.

Ayon kay Junia, malinaw na walang balak ang SMC tollways na panagutan ang kalbaryong dinaranas ng mga motorista dahil sa proyekto.

Kaya bilang tugon ay TRB na raw mismo ang kikilos para maging patas sa mga apektadong motorista ang pasakit ng matinding traffic.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *