Pagpasok ng mga dayuhan sa bansa mula alas-12:00 ng madaling araw ng Marso 22, pansamantala munang ipagbabawal

Pagpasok ng mga dayuhan sa bansa mula alas-12:00 ng madaling araw ng Marso 22, pansamantala munang ipagbabawal

PANSAMANTALA munang ipagbabawal ang pagpasok ng mga dayuhan sa Pilipinas simula alas-12:00 ng madaling araw ng Marso 22.

Ito ay matapos kanselahin ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang visa issuances at visa-free privileges dahil sa banta ng COVID-19.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr),  tanging ang mga OFW, returning Filipinos na may asawang dayuhan at mga anak at foreign gov’t at international organization officials ang maaring makapasok sa Marso 22 hanggang sa mga susunod pang araw.

Habang papayagan naman ang mga OFWs, balikbayans at foreign nationals na lumabas ng bansa pero kailangang magpakita ng kanilang travel itinerary na may flight departure sa loob ng dalawampu’t apat na oras.

Nanatili namang hindi pinapayagan ang mga turistang Pilipino na umalis ng Pilipinas.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *