Pagpapaunlad sa sektor ng agrikultura, susi para sa food security— UMA Ilonggo Partylist

Pagpapaunlad sa sektor ng agrikultura, susi para sa food security— UMA Ilonggo Partylist

KAILANGNAG mapaunlad ang sektor ng agrikultura para makamit ang food security sa bansa.

Ito ang sinabi ni UMA Ilonggo Partylist First Nominee Atty. Hansel Didulo sa panayam ng Sonshine Radio.

Giit ni Didulo, kailangang matutukan ngayon ang mga imprastruktura para sa agrikultura tulad ng farm-to-market roads.

Ibinahagi rin ni Didulo, na sentro rin ng adbokasiya ng UMA Ilonggo Partylist ang pagtulong sa agri-fish sector sa buong bansa lalong-lalo na sa Western Visayas.

Ito ay dahil nakita aniya nila na sa isinagawang budget deliberations ay hindi ito masyadong natutukan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Dagdag pa ni Didulo, sang-ayon din ang kanilang grupo na ihiwalay ang fisheries sa agriculture para mas mapaglalaanan pa ito ng pansin.

Kasama rin sa adbokasiya ng UMA Ilonggo Partylist ang pagpapaunlad o pagpapayaman sa mga magsasaka gaya ng mga farmer sa ibang bansa.

Ang UMA Ilonggo Partylist ay binuo ng mga campaigner ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong taong 2016.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *