Pagpapasuot ng quarantine wristband hindi isang uri ng diskriminasyon —Caloocan LGU

Pagpapasuot ng quarantine wristband hindi isang uri ng diskriminasyon —Caloocan LGU

NANININDIGAN ang Caloocan City na ipagpapatuloy ng lungsod ang pagpapasuot ng quarantine wristband o Qband sa mga residenteng na-test para sa COVID-9 para i-monitor ang galaw ng mga ito.

Ito ay sa kabila ng opinyon ng ilang residente na magdadala lamang ng discrimination ang pagpapasuot ng Qband at pandidirihan o katatakutan lamang anila ng mga tao ang mga na-test.

Pero paliwanag ni Atty. Sikini Labastilla, Head ng COVID-19 Command Center ng Caloocan walang basehan ng diskriminasyon dito.

“When the band is put after you tested, there is no finding that you are positive and as such after you tested you have an obligation to stay at home, you cannot just g around and roam the city, that’s a violation of DOH Memorandum.”

—Atty. Sikini Labastilla, COVID-19 command center Head, Caloocan City

Aniya ang mahalagang isaalang dito ay public health at hindi ang pansamantalang pananatili nila sa bahay pagkatapos ma-test para  hindi makahawa kung sila man ay mag positibo.

“The basis of discrimination is not dictated he reaction in the city, its dictated by your condition and we have to make a balance in here, do you want people who have been tested  and who have positive  to be going around  your neighborhood?”

—Atty. Sikini Labastilla, COVID-19 command center Head, Caloocan City

Lunes ng simulan ng LGU ang pamimigay ng Qband sa labing limang residente sa barangay 52.

Ang distribution nito sa bawat residenteng mate-test ay ipagpapatuloy lamang kapag lumabas na ang city ordinance para sa pagpapasuot nito sa mga residenteng sinuri para sa sakit na COVID-19.

Hindi nila puwedeng tanggalin ito sa loob nang 14 araw na quarantine period, o higit pa kung positibo sa COVID-19.

May QR code ang q-band na isa-scan kada 12 oras para ma-monitor sa command center kung nasaan ang tao.

Sakaling maipasa na ang  ordinansa sa susunod na linggo ay, may multang P1,000 o 10 araw na pagkakakulong ang hindi makakapag-scan ng Q-band sa tamang oras.

Sa ngayon sa huling ulat ay nasa 6,387 tao na ang tinamaan ng COVID-19 sa Caloocan Ciy, pero 5,099 sa kanila ang nakarekober na.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *