National

Pagpapasabog ng hydrogen bomb ng North Korea, ikinababahala na rin ng Pilipinas

Naaalarma na rin ang pamahalaan sa patuloy na ginagawang nuclear test ng North Korea. Araw ng Linggo ng magpasabog umano ng napakalakas na hydrogen bomb ang Pyeongyang na ramdam naman ng mga kalapit nitong bansa.
Ikinababahala na ng pamahalaan ang patuloy na pag develop ng North Korea sa kanilang weapons and nuclear program.
Ayon sa isang opisyal ng Office of The Civil Defense ay pinaghahandaan na nila ang pagsiguro sa kaligtasan ng mga Pilipino laban sa mapaminsalang hakbang ng Pyeongyang.
Ayon kay OCD Assistant Secretary Kris Purisima, nakikipag ugnayan na sa isat-isa ang mga ahensiya ng pamahalaan upang mailatag ang mga posibleng hakbang laban sa ginagawa ng North Korea.
Pinaghahandaan na rin ng OCD angpagpapakalat sa publiko ng tamang impormasyon para mapaghandaan ang posibilidad ng nuclear fallout.
Araw ng Linggo ay inilahad ng North Korea na nagpakawala ito ng hydrogen bomb – ang kanilang pang anim na nuclear test.
Bagama’t hindi naberipika ang aktwal na pagpasabog ay ramdam naman ang 6.4 magnitude na pagyanig mula sa China at South Korea.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *