Kamara
National

Pagpapalit ng liderato ng Kamara, iginagalang ng Malakanyang

Iginagalang ng Malakanyang ang pagpapalit ng liderato sa Kamara de Representantes.

Kasunod ito ng pagpapatalsik kay Representative Pantaleon Alvarez bilang House Speaker.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, na tanging mga mambabatas ang makakalutas ng anumang isyu sa Kamara.

Ayon kay Roque, nirerespeto ng pangulo ang separation of power at kinikilala nito ang co-equal branch of government.

Pormal na nahalal bilang bagong Speaker of the House si dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo na pumalit kay Alvarez.

GMA, pormal nang nanumpa bilang House Speaker

Pormal nang nanumpa bilang bagong House Speaker si dating pangulo at ngayo’y Pampanga 2nd District Representative Gloria Macapagal-Arroyo.

Pinalitan ni Arroyo si Davao del Norte 1st District Rep. Pantaleon Alvarez na namuno sa Kamara sa loob ng dalawang taon.

Nanumpa ang dating pangulo kay ang Kabuhayan Party-List Rep. Dennis Laogan, na siyang pinakabatang miyembro ng Kamara.

Sa ginawang botohan dakong alas otso kagabi, nakakuha si Arroyo ng 184 na boto habang labindalawa ang nag-abstain.

Bago ang SONA ng pangulo ay isang manifesto ang pinaikot ng mga mambabatas para ipanawagan ang pagbaba sa puwesto ni Alvarez.

Si Arroyo ang kauna-unahang babaeng lider ng Kamara, at ang unang dating pangulo na naluklok sa nasabing puwesto.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *