Pagpapakasal ni Princess Mako, warning sign sa Imperial system ng Japan

Pagpapakasal ni Princess Mako, warning sign sa Imperial system ng Japan

WARNING sign sa Imperial system ng Japan ang pagpapakasal ni Princess Mako.

Ayon sa ilang eksperto, warning sign na ito sa pagpapanatili ng monarkiya sa moderno na demokrasyang mayroon ang bansa ngayon.

Ang kontrobersyal na pagpapakasal ni Princess Mako at ng kanyang University sweetheart na si Kei Komuro ay nagpapakita ng hirap na dinaranas ng Imperial family sa pagbabalanse ng kanilang pampubliko at pribadong buhay.

Si Mako ay nagpatuloy sa pagpapakasal at hindi tinanggap ang lump sum payment na nagkakahalaga ng 150 million yen mula sa taxpayer’s money.

Naging laman ng tabloid magazines at TV talkshows ang Komuro family dahil maraming tao ang nagsasabi na hindi ito angkop na maging kamag-anak ng Imperial family kabilang na ang nakababatang kapatid ni Princess Mako na si Prince Hisahito na posibleng maging emperor sa hinaharap.

Ayon kay Kenneth Ruoff, isang propesor sa modern Japanese history sa Portland state univeristy, warning sign na ang kasal na ito ni Princess Mako at posibleng maharap sa krisis sa hinaharap ang Imperial system ng Japan.

Matatandaan na si Prince Hisahito ang second in line sa trono at tanging tagapagmana sa kanyang henerasyon dahil nililimitahan ng 1947 Imperial house law ang Chrysanthemum throne sa mga lalaking prinsipe na nakalinya sa hanay ng emperor mula sa ama nito.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *