Pagpapabakuna ni Duterte gamit ang Sinopharm vaccine, welcome development- local distributor

Pagpapabakuna ni Duterte gamit ang Sinopharm vaccine, welcome development- local distributor

WELCOME development para sa MKG Universal Drug Trading Corporation ang pagpapabakuna ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kagabi gamit ang Sinopharm vaccine.

Ang MKG ang natatanging local distributor na binigyan ng awtoridad ng Chinese government na mamahagi ng nasabing bakuna.

Sinabi rin ni Tolentino na ang symbolic na pagpapabakuna ng Pangulo gamit ang Sinopharm ay nagpapakita lamang na ligtas ang bakuna sa mga senior citizen.

Samantala, nilinaw ni Tolentino na hindi smuggled vaccine ang tinurok sa presidente.

Depensa ito ni Tolentino sa mga naninira sa Pangulo at baka iugnay ang pagpapaturok nito sa pagpapabakuna noon ng mga taga PSG.

Naging isyu noon ang umano’y smuggled na Sinopharm vaccine na itinurok sa mga miyembro ng PSG.

Samantala, patuloy ngayon ang proseso sa pag-apply ng Emergency Use Authorization o EUA.

Sakop ng Compassionate Special Permit (CSP) para sa Sinopharm jabs

Samantala, sakop si Pangulong Duterte ng Compassionate Special Permit (CSP) na una nang inisyu ng Food and Drug Administration (FDA) sa Sinopharm COVID-19 vaccine ng China.

Ito ang inihayag ni FDA Director General Eric Domingo matapos ang pagpapabakuna ni Duterte ng Sinopharm vaccine kagabi.

Bukod kay Duterte, sinabi ni Domingo na sakop rin ng CSP ang mga asawa at partners ng mga miyembro ng Presidential Security Group members.

Sa ngayon, sinabi ni Domingo na may dalawa hanggang tatlong kumpanya na ang nagpahayag na kanilang hangarin na mag-apply para sa Emergency Use Authorization (EUA) ng coronavirus vaccine na gawa ng Sinopharm group ng China.

Gayunman, hindi pa aniya nagsusumite ng mga requirement sa FDA ang mga nasabing kumpanya kabilang dito ang patunay na sila ay official supplier at distributor ng Chinese-made COVID-19 vaccine sa bansa.

Pebrero nang bigyan ng FDA ng compassionate use permit para sa 10,000 dosIs ng Sinopharm vaccine para gamitin ng PSG members.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *