Paglantad ng 16 na person of interests sa Dacera case, ikinatuwa ng NBI

Paglantad ng 16 na person of interests sa Dacera case, ikinatuwa ng NBI

IKINOKONSIDERA ng National Bureau of Investigation (NBI) na magandang development sa Christine Dacera slay case ang paglantad ng 16 na persons of interests sa nasabing kaso.

Ipinaliwanag ni NBI Deputy Director Ferdinand Lavin na malaki ang maitutulong nito sa pag-usad ng kanilang imbestigasyon lalo na aniya kapag nakapaghain na ang mga ito ng kanya-kanyang sinumpaang salaysay.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, ang 16 na katao na lumantad kahapon sa NBI headquarters ay ang mga hotel guest o naka-check in sa Room 2207 ng City Garden Hotel sa Makati kung saan namatay si Dacera.

Naging mailap naman ang NBI sa pagbibigay ng mga impormasyon sa mga mamamahayag, pero nabatid na kabilang sa mga nagtungo sa NBI kahapon ang tatlong abugado at isang basketball player.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *