pabuya sa mga pulis
National

Paglalaro ng golf, ipinagbabawal na –PNP OIC Archie Gamboa

IPINAG-utos ni PNP Officer-in-Charge Police Lieutenant General Archie Francisco Gamboa ang pagbabawal sa paglalaro ng golf ng mga pulis tuwing weekdays.

Ginawa ni Gamboa ang direktiba kasabay ng turnover ceremony ng bagong hepe ng NCRPO sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Sa panayam kay Gamboa, sinabi nito na malaking oras ang ginugugol ng ilang pulis sa paglalaro ng golf na umaabot sa apat na oras.

Layunin din nito na maging produktibo ang mga pulis sa kanilang oras sa trabaho.

Ganito rin ang naging kautusan ni bagong NCRPO Chief Police Brigadier General Debold Sinas sa kanyang hanay.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *