paglaganap
National

Paglaganap ng “fake news”, pinapa-aksyunan ni VP Robredo

Pinapa-aksyunan ni Vice President Leni Robredo sa Administrasyong Duterte ang paglaganap ng mga maling impormasyon o “fake news.

Sinabi ni Robredo na dapat gumawa ng kongkretong hakbangin ang pamahalaan para masupil ang pagpapakalat ng maling balita.

Matatandaan na ilang ulit na naging laman ng mga malisyoso at pekeng balita ang bise presidente.

Suportado rin ni Robredo ang panawagan ng Singapore na aksyon laban sa maling impormasyon sa mga miyembro ng ASEAN o Association of Southeast Asian Nations.

Ayon kay Robredo, dapat manguna ang Pilipinas sa pagpapatupad ng “Joint Declaration to Minimize the Harmful Effects of Fake News” na binuo noong Mayo ng taong ito.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *