Paglaban kay Spence, itutuloy ni Pacquiao sa kabila ng komento ni Pangulong Duterte

Paglaban kay Spence, itutuloy ni Pacquiao sa kabila ng komento ni Pangulong Duterte

ITUTULOY pa rin ni Senator Manny Pacquiao ang laban nito kontra Errol Spence Jr. sa buwan ng Agosto sa kabila ng komento ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte hinggil dito.

Matatandaang, inihayag ni Pangulong Duterte na dapat ay magpokus siya sa kanyang trabaho bilang mambabatas ng bansa.

Ayon pa kay Pacquiao, tuloy ang kanyang pag-alis ng bansa ngayong weekend upang lumaban at bigyan ng dangal ang bansa.

Aniya, masaya siya na nagkakaisa ang mga Pilipino sa kanyang mga laban.

Saad pa ni Pacquiao, dapat pagtuunan ng gobyerno ang napipintung pagputok ng Taal Volcano kaysa sa away.

 

Sa kabilang banda, hinamon ni Pangulong Duterte si Sen. Manny Pacquiao na ilabas ang listahan ng mga ahensya na aniya’y higit na kurap sa mga nagdaang administrasyon.

Ani Spokesman Harry Roque noong huwubes, umaasa ito na makapagbigay ng listahan si Pacquiao bago umalis ng bansa para sa kanyang pagsasanay sa nalalapit na laban

 

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *