Paglabag ng mga govt officials sa COVID-19 protocols, paiimbestigahan

Paglabag ng mga govt officials sa COVID-19 protocols, paiimbestigahan

SA isang pahayag, sinabi ni Pimentel na hindi naman niya intensyon na ilagay sa kapahamakan ang sinuman sa naturang ospital.

Health Sec. Francisco Duque III ,Kathryna Yu-Pimentel ,Sen. Koko Pimentel, Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), Makati Medical Center (MMC)
Paiimbestigahan ng Malakanyang ang umano’y paglabag ng ilang opisyal ng gobyerno sa health protocols na itinakda ng Department of Health (DOH) kaugnay sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Ito ay matapos makarating sa Palasyo ang ulat kaugnay sa paglabag sa COVID-19 protocols nina Senador Koko Pimentel at ACT-CIS Partylist Rep. Eric Go Yap.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, conflicting ang mga nasabing report kaya minabuti ng Office of The President (OP) na ipaubaya na lamang sa kinauukulang ahensya ng pamahalaan kung may reklamo para imbestigahan at malaman ang katotohanan.

Sinabi ni Panelo na dapat sundin ng lahat ng mga persons under investigation (pui) ang mga itinakdang protocol, kahit ano pa man ang kanilang socio-political status.

Matatandaang kinondena ng pamunuan ng Makati Medical Center (MMC) ang pagtungo ni Pimentel sa bisinidad ng ospital habang naka-home quarantine ito.

Posible namang kasuhan ng Presidential Security Group (PSG) si Yap dahil sa pagpunta pa rin nito sa palasyo kahit siya ay PUI na.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *