Pagkukulang ng PNP, iimbestigahan sa pagkamatay ng isang kadete sa Cavite

Pagkukulang ng PNP, iimbestigahan sa pagkamatay ng isang kadete sa Cavite

IIMBESTIGAHAN ang pagkukulang ng Philippine National Police (PNP) sa pagkamatay ng isang kadete sa Cavite.

Ipinag-utos ni PNP Chief Police General Guillermo Eleazar ang malalimang imbestigasyon kaugnay sa pagkamatay ni PNP cadet 3rd class George Magsayo sa posibleng pagkukulang ng ahensiya.

Kasunod ito ng pagkamatay isang kadete sa Cavite na si Cadet 3rd class George Carl Magsayo.

Ayon sa report, 5:40 ng huwebes ng hapon nang binugbog si Magsayo ng kanyang upperclassman na cadet 2nd class Caesar Steve Maingat bilang isang parusa.

Matapos ang insidente, nawalan ng malay si Magsayo at agad na dinala sa Qualimed hospital kung saan idineklara itong dead on arrival kalaunan.

Dahil dito, agad na inatasan ni Eleazar ang mga opisyal ng Directorate for Human Resources and Doctrine Development upang suriin kung nasusunod ba ang mga tamang polisiya para sa mga aspiring PNP personnel.

“I have already directed the Director, PNPA PMGen Rhoderick Armamento, and Director, DHRDD (Directorate for Human Resources and Doctrine Development) PBGen Arthur Bisnar, to conduct the necessary review and adjustments on the existing rules, regulations and academic policies to further strengthen the moral foundation of our cadets in the PNPA,”ayon kay Eleazar.

Giit ni Eleazar, matagal nang ibinabala ng kanilang ahensiya ang pagkondena at pagbabawal sa mga hindi otorisadong pagpaparusa na nagiging dahilan ng pagkakasawi ng mga kadete.

“Gusto naming malaman kung saan pa kami nagkulang at gusto din naming maintindihan kung bakit sa kabila ng mahigpit na babala, ay nangyari ulit ito at naging dahilan pa nang pagkamatay ng isang kadete,”dagdag nito.

Muling tiniyak ng PNP na hindi nito hahayaan na manaig ang kultura ng hazing sa loob ng akademiya lalo na sa mga baguhan na mga kadete.

Bagay na posibleng madala anila ito sa kanilang pagpasok sa PNP.

Sa kasalukuyan, nasa kostudiya na ng Silang Municipal Police Station si Maingat kasabay ng pangako ng pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa suspek.

SMNI NEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *