Pagkatalo ni outgoing US President Donald Trump, kapupulutan ng aral —Lagman

Pagkatalo ni outgoing US President Donald Trump, kapupulutan ng aral —Lagman

INILATAG ni Albay Rep. Edcel Lagman ang para sa kaniya ay walong aral na mapupulot ng mga Pilipino sa pagkatalo ni outgoing US President Donald Trump sa nadaang halalaan sa Estados Unidos.

Mga aral na mapupulot sa nagdaang US Presidential Election:

Una, hindi maloloko ng pangalawang beses ang mga botante ng isang lider na nagpakita ng iresponsibilidad sa puwesto.

Pangalawa, hindi maaaring baluktutin ng isang head of staete ang mga batas.

Pangatlo, ang mga kasinungalingan o false progaganda ay malalantad parin sa huli at pang apat ay hindi magtatagal ang policy flip-flopping sa pamahalaan.

Pang-lima, ang kabiguan na matugunan ang COVID-19 pandemic ay magdudulot ng pagkabagsak ng political carreer ng isang kandidato.

Pang-anim, ang sobrang pamumulitika na nagdudulot ng pagkakabahabahagi ay magpapagalit sa taumbayan.

Pang pito, ang mga pangakong napako ay aani ng pagkabigo sa eleksyon at panghuli- ang pagconcede ng isang kandidato sa halalan ay makakatulong na mapagbuti ang isang watak-watak na nasyon.

Giit ni Lagman, ang pag-concede o pagtanggap ng pagkatalo sa eleksyon dahil sa iginagalang nito ‘sanctity’ ng mga balota.

Why a Joe Biden presidency will be good for the Philippine economy

Samantala, para naman kay House Commitee on Ways and Means Chairman at Albay Rep. Joey Salceda, makakatulong sa ekonomiya ng bansa ang paparating na administrasyon ni US President Elect Joe Biden.

“A Joe Biden presidency will ease the deadlock on US stimulus talks, which would positively impact the country, as the US is one of our largest trade partners, export markets, and sources of investment,” pahayag ni Salceda.

Ayon kay Salceda, nakikita nito na mawawala na ang deadlock sa US para sa usapin ng stimulus kaya makakatulong ito bilang ang Estados Unidos ay ang pinakamalaking trading partner.

Nakikita din ni Salceda na mas makaka-access ang Pilipinas sa COVID-19 vaccine sa ilalim ng Biden administration.

“Biden will likely scale back the “America First” policy on global cooperation, and will return to an emphasis on multilateralism. This bodes well for the Philippines’ access to the COVID-19 vaccine, should it come from the Philippines,” ayon pa kay Salceda.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *