magbibigay inspirasyon
National

Pagkapanalo ni Vico Sotto sa eleksyon, inaasahang magbibigay inspirasyon

UMAASA ang Freedom of Information – Project Management Office (FOI-PMO) na magbibigay inspirasyon ang pagkapanalo ni Pasig Mayor-elect Vico Sotto sa iba pang local government sa bansa.

Ito ay dahil inihain ng nanalong alkalde sa katatapos na eleksyon ang Pasig Transparency Mechanism Ordinance o ang sariling bersyon ng Freedom of Information Bill ng lungsod na isang batas.

Sa panayam ng Sonshine Radio at SMNI kay FOI Program Director at PCOO Assistant Secretary Kris Ablan, malaki ang tulong ng FOI para maibalik ang tiwala ng publiko sa ating pamahalaan.

Dagdag pa ni Ablan, napakaraming impormasyon na gusto ng taumbayan ay mula sa mga LGUs.

Agresibo naman ang FOI-PMO na kumbinsihin ang mga lokal na opisyal ng pamahalaan na magpasa rin ng kani-kanilang mga FOI Ordinances.

SMNINEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *