National

Pagkampi ni Duterte sa mga pulis na sangkot sa Espinosa slay case dinepensahan ni Dela Rosa


Dinepensahan ni Philippine National Police (PNP) General Ronald Dela Rosa si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng pagkampi nito sa mga pulis na sangkot sa pagkakapaslang kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa.
Ayon kay Dela Rosa, nais lamang ipakita ng pangulo sa pulisya na hindi niya ito aabandonahin sa gitna ng giyera kontra- droga ng pamahalaan.
Hindi naman umano mapipigilan ng PNP si Duterte kung nais nitong bigyan ng pardon ang mga suspek sa kaso ni Espinosa.
Nasa kapasidad naman aniya ng pangulo na iabsuwelto ang grupo ni Police Superintendent Marvin Marcos na akusado sa pagpatay sa alkalde.
Gayunman, suportado aniya ni Dela Rosa ang hakbang ng PNP-Internal Affairs Service (IAS) na isailalim sa due process ang mga akusadong pulis.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *