Pagkamatay ng 2 aktibista sa Albay, pinaiimbestigahan ng PNP

Pagkamatay ng 2 aktibista sa Albay, pinaiimbestigahan ng PNP

PINAIIMBESTIGAHAN ni PNP Chief General Guillermo Eleazar ang pagkakapatay sa dalawang aktribista na umano’y binaril ng mga pulis matapos mahuli ang mga ito na nagsasagawa ng spray-painting protest slogans sa isang tulay sa Guinobatan, Albay.

Sa isang pahayag, sinabi ni Eleazar na inatasan na niya ang PNP Internal Affairs Service na tutukan at pabilisin ang isinasagawang imbestigasyon upang bigyan ng linaw kung ano ba talaga ang nangyari.

Inatasan din ni Eleazar si Bicol Police Chief Brig. Gen. Jonnel Estomo na ilagay sa restrictive custody ang mga sangkot na pulis habang hinihintay ang resulta ng imbestigasyon.

Umapela rin ang PNP chief sa publiko na iwasan na gumawa ng mga haka-haka hanggang hindi pa natatapos ang final report sa insidente.

Batay sa police report, Lunes ng mapatay sina Jemar Palero, at Marlon Naperi matapos unang paputakan ng baril ang mga pulis dahilan upang gumanti naman ang mga otoridad.

BASAHIN: P1.7-M halaga ng shabu mula Bilibid, nasabat sa Albay; tatlong tulak patay

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *