pork industry
Business

Pagkalugi ng pork industry sa bansa dahil sa ASF, umaabot na sa halos P3-B

PUMALO na sa halos P3-B ang nalulugi sa pork industry ng bansa simula nang pumutok ang isyu sa African Swine Fever (ASF) nitong nagdaang buwan ng Agosto.

Ito ang inihayag ni Agriculture Crisis Management Team on ASF Reildrin Morales.

Sinabi ni Morales, ang datos ay batay na rin sa naging quotation ng ilang mga negosyanteng karaniwang nakabebenta ng tatlong libong baboy kada araw.

Paliwanag ni Morales, kung ang isang baboy ay naibebenta ng P10,000 ay lalabas na P30-M kada araw ang nawawala sa kita ng mga nasa pork industry.

Dahil dito, aabot sa halos P1-B kada buwan ang income losses sa hog industry kaya nasa P30-B na ang ikinalugi ng industriya sa nakalipas na tatlong buwan.

SMNI NEWS

 

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *