entrapment operation
National

Pagkakumpiska ng P1-B na shabu sa entrapment operation ng PDEA, palabas lang

PALABAS lamang umano ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang entrapment operation kaugnay sa P1-B halaga ng shabu na nakumpiska sa isang warehouse sa Malabon City kamakailan.

Pinabulaanan ni Atty. Erastus Sandino Austria, dating tagapagsalita ng Bureau of Customs at district collector ng Manila International Container Port (MICP), ang pahayag ng PDEA na pinayagan nito ang public auction sa mga iligal na droga bilang bahagi ng kanilang controlled delivery operation upang mahikayat ang mga mi­yembro ng sindikato ng droga na lumabas at makilahok sa bidding.

Sinabi ni Austria na hindi totoo na controlled delivery operation ang pagkakakumpiska sa 146 kilo ng shabu sa Goldwin Commercial Warehouse sa Malabon noong Mayo.

Una nang inihayag ni PDEA Director General Aaron Aquino na ang naturang iligal na droga ay mula sa Golden Triangle syndicate.

Ayon naman kay Austria, ang naturang controlled delivery ay pakana lamang ng PDEA at BOC upang pagtakpan ang katotohanan na bigo silang masabat ang kargamento.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *