transmission ng election results
National

Pagkaantala ng transmission ng election results mula sa Washington DC, inaalam na

INAALAM na ng Commission on Elections (Comelec) ang dahilan kung bakit naantala ang transmission ng election results mula sa Washington D.C. sa Amerika.

Ang pagkaantala kasi ng Certificate of Canvass (COCs) mula sa Estados Unidos ang dahilan kung bakit naudlot ang proklamasyon sana kagabi ng labindalawang nanalong senador.

Alas 10:45 kagabi dumating sa tanggapan ng Comelec ang isang Certification of Canvass o COC’s mula Washington DC na may kabuuang 39,511 na boto.

Agad namang tinabulate ng board via electronically ang mga boto mula sa Overseas Absentee Voting, Local Absentee Voting at maging ang mga boto mula sa mga preso na bumoto sa nakaraang eleksyon.

Sa ngayon natapos na ng Comelec na bilangin ang kabuuang 167 na COC’s para sa 2019 Midterm Elections.

SMNINEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *