Paghahain ng COC sa Oktubre, sa Sofitel tent gaganapin

Paghahain ng COC sa Oktubre, sa Sofitel tent gaganapin

KINOKONSIDERA ng Commission on Elections (COMELEC) ang social distancing kaya sa outdoor tent ng Sofitel Philippine Plaza gaganapin ang paghahabla ng Certificate of Candidacy (COC)  sa buwan ng Oktubre.

Ito ang inihayag ni COMELEC Commissioner Rowena Guanzon sa panayam ng Laging Handa public briefing.

“’Yung health protocol po ay 100% commenced kami diyan kaya nilalagay na lang namin sa Sofitel dahil iba ang entrance, iba ‘yung exit at saka malawak po ang lugar,”—Guanzon

Muli ring nagpaalala si Guanzon sa mga maghahain ng COC na magdala lamang ng isang kasama.

Bukod pa rito, may libreng antigen test sa mga maghahabla ng COC bago pumasok.

Ngunit ani Guanzon, magbabayad ang mga kasama nito para sa antigen test.

 

 

SMNI NEWS