kilos-protesta
National

Paggunita ng Araw ng Kasarinlan, sinabayan ng kilos-protesta

SINABAYAN ng kilos-protesta ng mga militanteng grupo ang Ika-121 Anibersaryo ngayong Araw ng Kalayaan ng Pilipinas.

Sumugod ang grupo sa Roxas Blvd. sa Maynila kung saan iginiit ng mga ito pagpapalayas sa Amerika at China na naghihimasok sa bansa.

Tinawag rin ng mga ito na terorista ang goberyno ng Amerika, Tsina at Administrasyong Duterte.

Bahagya namang nagkaroong ng tensyon sa T.M. Kalaw Street matapos magpumilit ang mga raliyista na makalapit sa Embahada ng Estados Unidos.

Mapayapa namang nilisan ng mga demonstrador ang lugar matapos bigong masira ang barikada ng mga otoridad.

Sunod namang tinungo ng mga ito ang tanggapan ng Chinese Embassy sa Makati City kung saan sigaw ng mga ito pagpapalayas sa China.

Samantala, wala namang namomonitor ang pambansang pulisya na banta sa seguridad sa paggunita sa Araw ng Kasarinlan.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *