electronic cigarettes
Health National

Paggamit ng electronic cigarettes at vapes sa publiko, muling pinaalala

MULING nagpaalala ang Department of Health (DOH) na bawal ang paggamit ng electronic cigarettes at vapes lalo na sa pampublikong lugar.

Ito ay matapos pirmahan ni Health Secretary Francisco Duque III ang Electronic Nicotine and Non- Nicotine Delivery System (ENDS) na nakapaloob sa Administrative Order 2019-0007.

Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo, magiging epektibo ang AO matapos itong mailathala sa dalawang pangunahing pahayagan.

Isusunod naman ang guidelines na gagamitin sa pag-ban sa ganitong klase ng sigarilyo sa Section 4 of Executive Order 26 na kung saan ipinagbabawal ang paninigarilyo sa paaralan, workplaces, government facilities, simbahan, ospital, transport terminals, palengke at parke.

Nakasaad din sa Administrative Order na dapat kumuha muna ang mga manufacturer at distributor ng lisensya sa food and drug administration bago magtinda, mag export o import sa mga produkto na nakapaloob sa ENDS.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *