National

Paggamit ng E-Cigarette sa bansa, dapat i-regulate – Sen. Ejercito

Naghain ng panukalang batas si Senador JV Ejercito na naglalayong i-regulate ang mga electronic cigarettes.

Kapag naging batas tatawagin itong “E-Cigarette Regulation Act of 2018”.

Sinabi ng senador na dapat na i-regulate ang nasabing uri ng sigarilyo at ipaalam sa publiko ang mga panganib na dulot nito.

Ayon kay Ejercito, chairman ng Senate Committee on Health and Demography, na maraming mga Filipino ang hindi nakakaalam ng masamang epekto ng “vaping.”

Naniniwala si Ejercito na dapat magkaroon ng regulasyon sa mga kahalintulad na produkto para mapa­ngalagaan ang kalusugan ng publiko.

Nais ni Ejercito na ipagbawal sa mga minors ang pagbebenta ng e-cigarettes at tiyakin na hindi ang mga ito ang magiging target market.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *