Ipinagkibit balikat
National

Pagdulog ng grupo ni Rep. Quimbo sa SC, ipinagkibit balikat ni Rep. Suarez

Ipinagkibit balikat ng grupo nina Minority Leader Danny Suarez ang banta ng grupo nina Representatives Miro Quimbo at Rudy Fariñas.

Ito ay ang pagdulog sa Korte Suprema para igiit ang Minority leadership sa Mababang Kapulungan.

Ayon kay AKO-Bicol Representative Alfredo Garbin ng Suarez camp, may ruling ang SC na hindi maaaring pakialaman ng Korte Suprema ang mga desisyon sa plenaryo.

Ito ang basehan ng kampo nina Suarez kung kaya hindi sila nababahala sa banta ng kabilang panig.

Si Representative Suarez pa rin ang Minority Leader dahil ito ang kinilala sa plenary session noong Lunes.

Sa pagpasa ng mga panukala, si Suarez ang nagbigay ng consent para ipasa sa 3rd and final reading ang 27 panukala.

Nanawagan sila sa grupo nina Fariñas na tigilan na ang bangayan sa pulitika.

Mas makabubuting ipagpatuloy na lamang nila ang kanilang trabaho sa Kamara.

MJ Mondejar

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *